Pumalag ang China sa naging pahayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez kaugnay sa usapin ng West Philippine Sea.
Sa inilabas kasi na statement ni Romualdez, nahaharap aniya ang Pilipinas sa agresibong pangha-harass ng China.
Para sa opisyal, kailangang maging katuwang ng bansa ang Australia at Estados Unidos na labanan ang Beijing sa kanilang pambu-bully.
Ayon sa embahada ng China, ginagamit lamang umano ng opisyal ang isyu ng West Philippine Sea upang mag-ingay at pag-usapan ang walang batayan na akusasyon laban sa China.
