Philippine Navy – muling naka-monitor ng daan-daang vessels ng China

Kinumpirma ng Philippine Navy na mayroon ulit silang namataan na pagkukumpulan ng mga Chinese vessels, kabilang na ang ilang mga warships ng China sa Ayungin Shoal.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad na mayroong 15 hanggang 25 na mga Chinese warships ang na-monitor sa Mischief Reef.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Mayoon din umanong 200 mga militia ships; at 10-15 na mga Chinese Coast Guard ships.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sabi ni Trinidad – bagamat ‘di pa raw nakababahala ang naturang bilang -, ‘concerning’ pa rin ang mga aksyong ito ng China.

Ipagpapatuloy pa rin daw ng mga tropa ang kanilang resupply missions sa Ayungin Shoal.