LEGAZPI CITY – Naibigay na ang labing-anim na solar street lights sa dalawang mga barangay sa bayan ng Malilipot, Albay upang maging ligtas ang mga motorista lalo na ang mga mamamayan.
Ayon sa Malilipot MPS, nagsimula ang kanilang programa sa Fun Run para sa mamamayan na “Ilaw para sa Kaligtasan”.
Ibinigay ang mga ito sa mga barangay ng San Francisco at San Jose kasama ang iba’t ibang mga opisyal.
Personal na tinanggap ng mga Punong Barangay ang mga solar street lamps kasama ang Local Municipal Government Operations Officer ng Malilipot na si Ma. Cecelia Del Puerto, Mr. Avelino Binalla, Municipal Administrator ng nasabing bayan at iba pang opisyal ng LGU.
Base sa tala, ang dalawang barangay sa bayan ang kadalasang pinangyayarihan ng mga aksidente.
Nasa mga barangay ding ito ang dalawang kolehiyo – ang San Francisco Institute of Science and Technology (SFIST) at San Jose Community College (SJCC) kung kaya’t kinakailangan ng mas maliwanag na lugar.
Maliban pa rito, binuksan din ang programang “Takbo Kontra Droga” bilang pangunahing suporta sa kampanya ng kapulisan laban sa paggagamit ng ilegal na droga na isa mga problema sa komunidad at sakit ng ulo ng mga mamamayan lalo ng mga otoridad.
Pinangunahan ito ni Chief Of Police Police Major Manuel A. Dionisio II, kung saan ito ay naging matagumpay upang mapalawak pa ang tulong para sa pamayanan.
Naging matagumpay din ang nasabing programa na dinaluhan ng daan – daang mga mananakbo sa hangaring ang proceeds ng naturang adhikain ay mapupunta sa tulong para sa pamayanan.