Nakalabas na mula sa senate premises si Pharmally Pharmaceutical Corporation president Twinkle Dargani matapos itong makulong nang ilang buwan dahil sa contempt.
Kinumpirmani Senate Sergeant-at-Arms Ret. Gen. Rene Samonte na pinalaya si Dargani sa kondisyong dadalo ito sa mga pagdinig sakaling ipatawag ng senado.

Kahapon nang aprubahan ni Senate President Vicente Sotto III ang release from ni Dargani dahil sa umano’y lumalalang ‘mental health condition’ nito.
Dumiretso naman si Twinkle sa pamamahay ng kanyang ina sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Samantala nanatili namang nakakulong sa Pasay City Jail ang kapatid nitong si Mohit Dargani na isinasangkot sa maanomalyang transaksiyon ng gobyerno sa pagbili ng mga PPEs sa kumpanyang Pharmally.