Kasalukuyan na umanong hinaharap ng Pilipinas ang 4th wave ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin, kung isasama ang unang outbreak sa bansa noong Abril, maituturing na pang-apat na wave na ang nararanasan natin ngayon.
Binase rin umano niya ang pahayag mula sa isang article kung saan sinasabing nakaranas ng first wave ang bansa noong April 2020.
Sinundan umano ito ng pangalawang wave noong June hanggang August 2020, at ikatlong wave noong April 2021.
Sinegundahan ito ni Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine Department head ng San Lazaro Hospital na si Dr. Rontgene Solante dahil punuuan pa rin umano ang mga ospital mula pa noong Hulyo.