PH, nakapagtala ng 18,937 na bagong kaso ng COVID-19; Active tally, pumalo na sa 176K

Umabot na sa 2,385,616 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa matapos na makapagtala ng 18,937 na bagong kaso ngayong araw.

Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa 176,850 mula sa 178,196 na naitala noong Linggo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Umabot naman sa 2,171,832 ang total recoveries matapos na madagdagan ang gumaling ng 20,171.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, tumaas sa 39,934 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit matapos makapagtala ng 146 na bagong fatalities.