Nakikipag-ugnayan na umano ang Department of Education (DEPED) sa mga otoridad na mag-iimbestiga sa isang Facebook group kung saan nagbibigayan ng sagot ang mga mag-aaral.
Ang tinutukoy na grupo ay ang “Online Kopyahan” Facebook group kung saan ginagamit umano ng mga mag-aaral upang mangalap ng sagot sa kanilang modules at iba pang activity sheets.
Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, hindi nila kinukunsinti ang ganitong gawain kung kaya’y nagkaroon na sila ng hakbang upang maimbestigahan ito.
Matatandaan na nanawagan na rin si Senador Sherwin Gatchalian sa DepEd na palawakin pa nito ang mga hakbang upang matigil ang kahit anong uri ng kopyahan sa distance learning.
Lumalabas naman sa survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education na karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay kaunti lamang ang natututunan kumpara noong sila ay nasa face-to-face classes.