PH, nakapagtala ng bagong 18,528 COVID-19 infections

Nakapagtala ang bansa ng 18,528 bagong COVID-19 infections ngayong Linggo dahilan para umabot na sa 143,221 ang active cases sa bansa. 

Ito ang ikalawang pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos maitala ang all-time high na 19,441 bagong COVID-19 cases kahapon. 

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa naitalag bagong kaso, umabot na ang total cases sa 1,954,023.

Sa 143,221 active cases, 95.3% ang mild, 2% ang asymptomatic, 1% ang moderate, at 0.6% ang nasa critical condition.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Pumalo naman na sa 1,777,693 ang total recoveries matapos na gumaling ang 17,922 pang pasyente mula sa respiratory illness. 

Habang umakyat na sa 33,109 ang death toll sa bansa matapos maitala ang 101 bagong fatalities.