Aktibong kaso ng COVID-19 sa AFP, umabot na sa 1,701

Pumalo na sa 1,701 ang kasalukuyang aktibong kaso ng coronavirus sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala, binubuo ang nasabing bilang ng mga militar, mga kadete at Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks
Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Aniya, nakapagtala ng 59 na bagong kaso ang AFP, at sa kabuuan na ito, 49 na ang cleared.

Dagdag ni Zagala, nabakunahan na ang 97,000 o 67% ng AFP personnel laban sa COVID-19.