PH, nakapagtala ng 9,671 bagong COVID-19 cases; Active infections, pumalo na sa 77,516

Nakapagtala ng 9,671 bagong COVID-19 infections ang Pilipinas ngayong linggo, dahilan para pumalo na sa 77,516 ang active cases sa bansa.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 1,658,916 ang total COVID-19 cases sa bansa,

Sa 77,516 active cases, 93.2 percent ang mild, 2.8 percent ay asymptomatic, 1.7 percent ang severe, at 1 percent ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Samantala, umabot naman na ang total recovery count sa 1,552,278 matapos na makarekober ang 8,079 pasyente mula sa nakamamatay na virus.

Habang ang death toll ay umakyat na sa 29,122 kung saan 287 ang bagong nasawi, pinakamataas na recorded deaths simula April 9.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sinabi ng DOH na 96 duplicates ang tinanggal mula sa total case count habang na-validate na bilang active cases ang tatlong kasong unang na-tag bilang recoveries.

Dagdag pa ng DOH na lahat ng laboratoryo ay operational nitong August 6 at lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System.