PH, nakapagtala ng 20,336 new COVID-19 infections


Nakapagtala ang bansa ng 20,336 bagong COVID-19 infections, dahilan upang pumalo na sa 2,324,475 ang total case count.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa mga bagong kaso, umakyat na sa 188,108 ang active cases sa bansa.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Umabot naman sa 36,328 ang bilang ng fatalities matapos na makapagtala ng 310 na bagong COVID-19 deaths na siyang pinakamataas ngayong Setyembre.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang bilang rin na ito ang ika-lima sa pinakamataas na naitala ng bansa mula ng magsimula ang pandemiya.

Umakyat naman sa 2,100,039 ang total recoveries sa bansa, matapos na gumaling ang 10,028 pang pasyente.