PH, nakapagtala ng 19,271 new COVID-19 cases; Active cases nasa 178K na

Umabot na sa 2,366,749 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala ng 19,271 na bagong kaso ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), dahil sa mga bagong kasong naitala, umabot na sa 178,196 ang aktibong kaso sa bansa.

Read More:  DMW: No deployment ban for OFWs bound for Saudi Arabia despite attacks

Sa bilang na ito, 92.3% ang mild, 3.1% ang asymptomatic, 2.6% ang moderate, at 0.6% ang nasa kritikal na kondisyon.

Read More:  Sara Duterte maintains trust rating lead over Marcos

Umabot naman sa 2,151,765 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 25,037 ang gumaling nan mula sa virus.

Samantala, tumaas sa 36,788 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa nasabing sakit matapos makapagtala ng 205 na bagong fatalities.