PH, nakapagtala ng 14, 610 bagong COVID-19 cases; active tally, pumalo na sa 106,672

Nakapagtala ang Pilipinas ng 14,610 bagong kaso ng COVID-19 dahilan para pumalo na sa 106,672 ang active cases. 

Ito na ang ikatlong araw na mahigit 14,000 bagong cases ang naitala sa bansa. 

Batay sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 1,755,846 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa, habang pitong laboratoryo ang di nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa 106,672 active cases, 96.1 percent ang mild, 0.9 percent ang asymptomatic, 0.89 percent ang moderate, 1.3 percent ang severe, at 0.7 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Tumaas naman na sa 30,366 ang fatality sa bansa matapos maitala ang bagong 27 mga nasawi. 

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Habang pumalo na sa 1,618,808 pasyente ang gumaling na mula sa severe respiratory disease, kabilang ang 10,674 karagdagang recoveries. 

Samantala, umabot na sa 23 percent ang COVID-19 positivity rate sa Pilipinas habang ang total number of tests na naisagawa ay nasa 58,471 na.