Nakapagtala ng 12,895 na bagong kaso ng COVID-19 ang bansa na siyang pinamakababang naitala ng Pilipinas mula noong July 9.
Dahil rito, lumalabas sa datos ng Department of Health (DOH) na nasa 2,535,732 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, habang 132,339 naman ang nagpapagaling pa sa kasalukuyan.

Umabot naman sa 2,365,229 ang total recoveries, matapos na gumaling ang 12,236 pang pasyente.
Samantala, nasa 38,164 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa nasabing virus matapos na makapagtala ng 190 na bagong fatalities.
Nilinaw naman ng DOH na ang dahilan ng pagbaba ng naitalang kaso ngayong araw ay dahil sa mababang testing outputs ng mga laboratoryo noong September 27 kumpara sa nakalipas na pitong araw.