PH, nakapagtala ng 12,067 new cases ng COVID-19

Bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw ng Martes sa 12, 067 infections. 

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mababang tally ay dahil sa mababang laboratory outut noong Linggo. 

Dahil dito, pumalo na sa 1,869,691 ang COVID-19 cases, kabilang ang 127,703 active infections. 

Sa active cases, 95.5 percent ang mild, 1.7 percent ang asymptomatic, 1.2 percent ang severe, at 0.6 percent ang nasa kritikal na kondisyon. 

Inanunsyo rin ng DOH na umakyat na ang total recoveries sa 1,709,724 matapos na gumaling ang 14,565 pang pasyente mula sa respiratory illeness.

Samantala, nadagdagan naman ng 303 ang mga nasawi sa sakit dahilan para umabot na sa 32,264 ang death toll. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *