Asahan na ang mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw ng Miyerkules.
Ayon sa PAGASA, magdadala ng pag-ulan ang intertropical covergence zone sa southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na mayroong kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog, at kidlat sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Nagbabala ang weather bureau sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa oras ng malakas na pag-ulan.
Samantala, asahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na mayroong pulo-pulong pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa ITCZ o localized thunderstorms.