PH, nagtala ng 6,943 new COVID-19 cases; Active tally, higit 68K

Naitala sa Pilipinas ang 6,943 na mga bagong kaso ng COVID-19 cases, dahilan para sumampa pa sa 68,832 ang kabuoang bilang ng active infections.

Pero sa kabila nito, ito parin ang pinakamababang active case count simula sa 66,895 noong August 5, 2021.

Kaugnay nito, 79.7% sa mga ctive case ay nakakaranas ng mild symptoms, 5.5% ang asymptomatic, 4.5% ang severe, at 1.9% ang nasa kritikal na kondisyon.

Sinabi naman ng Department of Health na dahil sa mga bagong kaso, ang kabuoang COVID-19 caseload ay nasa 2,727,286 na.

Samantala, ang total recoveries ay tumaas ng 2,617,693, matapos na gumaling ang 19,687 pang pasyente mula sa viral disease, habang ang death toll ay umakyat sa 40,761 dahil sa 86 na mga bagong fatalities. //MHEL PACIA-TRINIDAD