Health expert: Alert Level 2, posibleng ibaba sa Metro Manila pagdating ng Pasko

Posibleng magtuloy-tuloy hanggang sa Pasko ang pagpapababa ng mobility restrictions sa Metro Manila, kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba sa bilang ng COVID-19 infections sa capital region.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, infectious diseases specialist at miyembro ng technical advisory group ng Department of Health na posibleng ibaba sa Alert Level 2 ang Metro Manila sa Disyembre, kung bumaba ang hospital utilization at iba pang metrics.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sa ngayon, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 3 hanggang sa katapusan ng Oktubre, kung saan pinapayagan ang mga establisyemento na palawakin ang kanilang operasyon sa 50% outdoor venue capacity at indoor venue capacity na 30% para sa mga fully vaccinated individuals.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sinabi ni Salvaña na bagama’t ang emergence ng bagong coronavirus variants at pagtitipon na maaring magdulot ng superspreader events na banta sa pag-ganda ng COVID-19 situation, ay “cautiously optimistic” naman umano siya na malalampasan ang peak.

Giit nito, basta’t sundin lang ng mga tao ang health protocols, at paigtingin ng gobyerno ang vaccination efforts, ay tiyak umanong magkakaroon ng masayang Pasko ang mga Pilipino. //MHEL PACIA-TRINIDAD