Nagtala ang Pilipinas ng karagdagang 5,604 na kaso ng coronavirus disease, dahilan para lalo pang lomobo ang total caseload sa 1,403,588.
Ito ang pinakamababang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa nakalipas na apat na araw, pero hindi kasama ang datos mula sa anim na laboratoryo na bigong makasumite ng resulta COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon sa Department of Health, mula sa kabuoang COVID-19 cases, 3.7% o 52,029 ang active cases, kung saan 90.1% ang mild cases, 5.0% ang asymptomatic, 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon, 2.1 ang severe cases, at 1.49% ang moderate cases.
Naiulat rin ng DOH ang 84 pang karagdagang pasyente na pumanaw mula sa naturang sakit, dahilan para tumaas ang total fatalities sa 24,456.
Sa gitna nito, umakyat rin ang mga gumaling mula sa respiratory disease sa 1,327,103, matapos maitala ang 6,154 na mga bagong recoveries. // MHEL PACIA-TRINIDAD