Suspek sa panghahalay sa lola sa Masbate, nadakip na ng mga otoridad

SORSOGON CITY – Nasa kustudiya na ng mga operatiba ang suspek sa panghahaly ng 64-anyos na lola sa Masbate.

Nadakip ng mga operatiba si Samuel Lupango Tumbaga, 40-anyos, may asawa, laborer at naninirahan sa Purok 7-Maristela, Brgy Asid lungsod ng Masbate.

Read More:  Student dies after lightning strike during hike at Mt. Sayao in Biliran

Natuntun si Tumbaga sa kanyang pinagtataguan sa Brgy Pating partikular sa Masbate City Terminal Diversion Road.

Ang suspek ay positibong itinuro na responsable sa panghahalay sa biktima noong nakaraang taon.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Si Tumbaga ay inaresto sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 47 sa kasong rape na walang itinakdang piyansa.