PH-Israel nagkasundo para palakasin ang partnership sa agrikultura,water mngt

Nagkasundo ang Pilipinas at Israel na palakasin pa ang partnership nito sa larangan ng agrikultura at water management.

Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ni Israeli Foreign Minister Eli Cohen kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Malakanyang.

Ayon kay Cohen naniniwala siyang malaki ang maibabahagi ng kanilang bansa sa usapin ng water mananagement at agrikultura dahil sa kanilang karanasan kung saan 60 percent ng kanilang kalupaan ay disyerto subalit nakakapagbigay pa rin sila ng sapat na tubig.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Pangulong Marcos na itinuturing niyang napakahalaga ng pag-unlad ng agrikultura para sa isang bansa, kasabay ng pagpapahayag ng paghanga sa pagsulong ng Israel sa agrikultura.

Sinabi ng punong ehekutibo na natutuwa siyang binuksan ng opisyal ng Israel ang isyu dahil ang agrikultura ang naging prayoridad ng Pilipinas partikular na sa pagpapabuti ng ekonomiya. //LB, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *