DND, welcome ang appointment kay Gibo Teodoro bilang Defense Sec

Nagpasalamat si Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. para sa tiwalang ibinigay sa kaniya ni Pangulong Bongbong Marcos para magsilbing officer-in-charge ng kagawaran habang wala pang naitatalaga na full-fledged secretary.

Sa isang pahayag, sinabi ni Galvez na marami ring napagtagumpayan ang kaniyang team sa loob ng panunungkulan niya bilang tagapamahala ng DND sa loob ng iilang buwan.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Kabilang na aniya rito ang mga nakamit nila sa pagpapaigting ng internal security ng bansa, territorial defense, disaster preparedness, at iba pang pagpapabuti sa ating sektor ng depensa.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Wi-nelcome din ni Galvez ang pagbabalik ni Gibo Teodoro bilang Defense Secretary.

Ayon sa opisyal, magpapatuloy pa rin ang suporta nila sa bagong liderato ng tanggapan at sa buong administrasyon para makamit ang mapayapang Pilipinas. // LGD, edited MHEL PACIA