Harden, lumagda sa 2-year, $68.6-M deal para manatili sa Sixers

Muling lumagda si NBA star James Harden sa two-year, $68.6 million deal para manatili sa Philadelphia 76ers.

Ang naturang development ay halos isang buwan, matapos tanggihan ng 2018 NBA Most Valuable Player ang kanyang $47.4 million player option para sa papasok na season, para mapalakas ng 76ers ang kanilang roster.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Sinasabing gagawa si Harden ng $33 million sa 2022-23 season sa naturang kasunduan, na kinabibilangan ng $35.6 million player option para sa 2023-24.

Si Harden, na 10-time All-Star, ay napunta sa Philadelphia mula sa Brooklyn sa pamamagitan ng isang trade noong nakaraang season sa blockbuster deal na nagdala kay Ben Simmons sa Nets.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ito ay may average na 21 points, 10.5 assists at 7.1 rebounds sa 21 regular-season games sa Philadelphia.