PH, inaasahang magtutuloy-tuloy ang momentum pagdating sa turismo

Tinatarget maabot ng Department of Tourism (DOT) ang 4.8 million na international visitors sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, kampante ang kanilang ahensya na magtutuloy ang momentum ng turismo sa taong 2023, maging sa mga susunod pang taon.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Batay sa pinakabagong datos, ngayong taon ay higit 2.46 ang mga turistang dumating sa bansa.

Mas mataas ito sa projection ng DOT na 1.7 million.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Samantala, U.S. ang pinakamarami sa bilang na pumunta sa ating bansa na nasa 461,000.

Sinusundan ito ng South Korea na may 387,000.