2 ex-DA execs, hinatulan ng 8 taon re: Overpriced liquid fertilizer purchase

Hinatulan ng graft ng Sandiganbayan ang dalawang dating Department of Agriculture (DA) officials kaugnay sa pagbili ng overpriced liquid fertilizer noong 2004 na parte umano ng P728-million fertilizer fund scam.

Sa desisyon ng anti-graft court, sinentensyahan si noo’y Regional Executive Director Oscar Parawan at si dating Chief Accountant Ma. Perlice Julian ng anim hanggang walong taong pagkakakulong.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Hinatulan ang dalawang opisyal matapos i-authorize ang pag-transfer ng P5 million public funds sa non-government entity na Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI) nang walang public biddling, na nagresulta ng overpriced purchase ng fertilizers.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ayon sa Sandiganbayan, walang nakalatag na mga presyo sa Department of agriculture na siyang pwedeng pagkumparahan ng presyo.