Ngayong araw ang ika-anim na anibersaryo ng historic na Hague ruling kung saan ay ibinibigay sa Pilipinas ang soberanya at hurisdisyon sa mga pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
2016 nang ibasura ng Hague tribunal ang tinatawag na nine-dash line ng China kung saan ay nakabilang ang exclusive economic zone ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang mga findings na ito ay itinuturing na conclusive at indisputable.
Nanindigan umano ng Philippine Government na invalid ang lahat ng mga tangka para i-reject ang ruling anim na taon na ang nakalilipas.
Wi-nelcome din ng kalihim ang suporta ng international community para sa Pilipinas at sa soberanya nito.
Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni US Secretary of State Antony Belkin na pinagtitibay nila ang kanilang commitment sa Pilipinas na suportahan ang bansa sa claims nito sa mga pinagaagawang teritoryo.
Ang kahit ano man anyiang pag-atake sa mga tropa ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay isang hudyat para ma-invoke ang umiiral an US-Philippines Mutual Defense Treaty.
#