DepEd, itinakda ang pagsisimula school year 2022-23 sa Agosto a-bente dos

Inanunsiyo ng Department of Education na opisyal na magbubukas ang SY 2022-2023 sa August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.

Ayon sa DepEd Order No. 34, s. 2022 magkakaroon ng 203 school days o bilang na maaaring matukoy ng karagdagang issuances sakaling may mga pagbabago sa kalendaryo ng paaralan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Read More:  Power rates expected to rise in August as NGCP transmission charges jump 22.22%

Nakasaad din sa naturang kautusan na magsisimula ang enrollment sa July 25 ngayong taon.

Lalarga naman ang Nationwide Brigada Eskwela simula Agosto 1 hangang 26 upang ihanda ang mga paaralan sa muling pagbubukas ng klase.

Read More:  DOJ expects Apollo Quiboloy’s extradition case could move forward within months

Inihayag naman ng DepEd na inilabas ang naturang kautusan alinsunod sa pagsisikap nitong maibalik ang 5-day face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa.
#