PH, doble pa ang monitoring efforts kaugnay sa posibleng terror attack

Pinapalakas pa ngayon ng bansa ang kanilang monitoring efforts laban sa banta ng terorismo kasunod ng advisory ng Japan sa posibleng pag-atake sa Pilipinas.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, walang nakikita ang militar na kahit ang senyales ng posibleng terror attack.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Tiniyak naman nito na laging nakaalerto ang security sector para sa kahit anung terror acts.

Hindi rin isinasantabi ng defense chief na sa Asean countries, ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng terror attacks sa nakalipas na 20 taon.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Noong Martes nang kinumpirma ng embahada ng Japan sa Manila na nakatanggap ang kanilang gobyerno ng impormasyon kaugnay sa terror attacks o suicide bombing sa Southeast Asia, kabilang na sa Pilipinas.