Miyembro ng Barangay Council ng Abuyog, isinailalim sa kwarantina makaraang tumanggap ng bisitang positibo sa Covid-19

SORSOGON CITY – Isinailalim sa 14 days home quarantine ang lahat ng miyembro ng konseho ng Brgy. Abuyog sa lungsod ng Sorsogon makaraang matrace ang mga ito ng Contract Tracer Team ng lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Punong Barangay Jeffrey Louie Estidola, sinabi nito na nagkaroon sila ng bisita mula sa Brgy Guinlajon na dumalo sa kanilang regular session noong unang linggo ng Setyembre.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ulat ng contact tracing team, 16 na close contact ng nasabing indibidwal ang isinailalim sa home quarantine.

Ayon pa kay Kap Estidola karamihan naman aniya sa mga close contact ay asymptomatic, habang tatlo sa kanila, kabilang ng kanyang sarili ay sumailalim  sa swab test at nag negatibo naman sila.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, ngayong araw, Setyembre 16, ang Ika-14 na araw ng kwarantina ng buong konseho kung kaya’t bukas, Setyembre 17 ay puwede na silang makihalubilo muli sa publiko, dagdag pa ni Kap Estidola.