PH, di tatanggap ng refugees mula Afghanistan maliban kung…

Di umano tatanggap ng refugees ang Pilipinas mula Afghanistan maliban na lamang kung sa pamamagitan ng request mula sa isa pang gobyerno. 

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., di tatanggap ang bansa o makikinig sa kahit anong proposisyon na tumanggap ng refugees maliban na lamang kung government-to-government o kausap ang kanilang Foreign at Justice ministers. 

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Partikular na binanggit ng foreign affairs chief ang United Kingdom, United States, at iba pang Western countries na mga pinaka-aktibo sa evacuation. 

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Aniya, hindi ie-entertain ng bansa ang kahit anong request for asylum mula sa NGOs kahit pa well-meaning o reputable at iba pang non-state parties.

Una nang sinabi ng Malacañang na bukas ang bansa na tumanggap ng refugees at asylum seekers mula Afghanistan matapos na kontrolin ng Taliban ang capital nitong Kabul.