PNP, tiwalang susunod ang health workers sa COVID-19 protocols sa mass protest

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na susundin ng mga healthcare workers ang COVID-19 protocols sa kasagsagan ng kanilang protest actions. 

Sa isang statement, sinabi ni PNP chief General Guillermo Eleazar na nirerespeto ng pambansang pulisya ang karapatan ng healthcare workers na magsagawa ng protesta at isigaw ang kanilang mga  reklamo. 

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Ayon kay Eleazar, dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang concerns ng health workers, kumpiyansa syang matutugunan na ang isyu ng mga medical frontliners.

Kinilala ng PNP chief ang kontribusyon ng health workers sa pagdiriwang ng National Heroe’s Day. 

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Aniya, nasaksihan nya ang sakripisyo ng healthcare workers ng PNP at medical frontliners na nasawi habang nagsisilbi sa bayan. 

Mababatid na magsasagawa ng protesta ang Alliance of Health Workers sa September 1 para himukin ang gobyerno na ibigay na ang kanilang benepisyo.