PS-DBM at PITC, nais ipabuwag ng isang senador

Nananawagan si Senador Imee Marcos na tanggalin na ang Department of Budget and Management’s Procurement Service (PS-DBM) at Philippine International Trading Corp. (PITC), na ayon sa kanya ay walang naging saysay kasunod ng mga kontrobersiyang kinasangkutan ng mga ito.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Marcos na maghahain sya ng panukala para mabuwag ang dalawang ahensya.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Aniya, lumalabas sa mga dokumento ng PITC na bumili ng mga facemasks at faceshields ang tanggapan na nagkakahalagang P40, at P180 hanggang P190. 

Binanggit din ng senador na hindi matukoy kung ang halagang ito ay halaga per pack o halaga kada piraso dahil hindi umano kumpleto ang naipasang dokumento ng ahensya.

Mandato ng PITC na makipag-ugnayan sa export at import trading ng mga bago o non-traditional na produkto at markets na hindi karaniwang target ng mga nasa pribadong sector, samantalang mandato naman ng PS-DMB na bumili, mangalaga, at ipamahagi ang mga produkto para ibenta ito sa mga ahensya ng gobyerno.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Itinaas rin ni Senador Marcos ang posibilidad na hindi makatanggap ng pondo sa ilalim ng 2022 national budget ang dalawang nasabing ahensya para mas makatipid ang pamahalaan..