PH bet Tracy Perez, semifinalists sa Miss World

Pinangalanan ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez, bilang semifinalists sa Miss World, bago ang rescheduled coronation night sa Marso.

Si Perez ay kabilang sa 15 “fast track winners” ng pre-pageant challenges na nakasama sa Top 40 finalists, kahapon.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Ang Cebu beauty ang nakakuha sa Top 30 slot noong December 2021, nang manalo ito sa round ng “Head to Head” challenge, kung saan ininterview ang mga kandidato sa iba’t-ibang paksa.

Sa parehong buwan, nagtapos rin ito sa Top 6 ng “Beauty With A Purpose” project, kung saan iprenesenta ng mga kandidato ang kanilang adbokasiya.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Samantala, umaasa naman si Perez na maiuuwi ng Pilipinas ang ikalawang Miss World crown, matapos kay Megan Young noong 2013.