Maagang napalabas ang reigning champion na si Naomi Osaka sa third round ng Australian Open kahapon sa 4-6 6-3 7-6 (10-5) defeat laban kay American Amanda Anisimova, na ranked 60th sa mundo.
Ito ang unang paghaharap sa pagitan ng four-time Grand Slam winner Osaka at Anisimova.
Sa gitna nito, sinabi ng philosophical na si Osaka na hindi siya Diyos, para laging manalo.

Si Osaka ay nagbalik sa Grand Slam tennis, matapos ang long break kasunod ng tearful third-round exit sa US Open noong Setyembre, ang culmination ng pinakamahirap na taon na kanyang patuloy na pinagdudahan at sinabi nitong nakaranas siya ng depresyon.