Halos 65 million pesos na halaga ng welfare goods at Kalusugan Food Trucks ng OVP, hindi umano na-liquidate

Kinumpirma ng Commission on Audit na hindi nakapag-liquidate nang maayos ang Office of the Vice President para sa ginastos nitong halos 65 million pesos sa distribusyon ng welfare goods.

Sa budget briefing ng OVP sa Kamara, nabahala si Batangas Representative Gerville Luistro sa expenditure sa mga proyektong layong tugunan ang malnutrisyon, kalamidad at gutom noong nakaraang taon.

Kabilang na rito ang deployment ng OVP Kalusugan Food Trucks at pamamahagi ng welfare goods tulad ng sako ng bigas, food packs at
PanSarap Buns.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Pinuna ni Luistro ang kawalan umano ng post-activity reports kaya inusisa nito ang COA kung nasunod ng OVP ang mandato na mag-install ng internal control sa implementasyon ng mga proyekto sang-ayon sa Presidential Decree 1445.

Nabatid na kasama sa mga dokumentong dapat isumite ang distribution lists, property acknowledgement receipts, request at issue slips at deeds of donations.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sinabi rin ng state auditors na hindi nagsumite ang OVP ng post-activity reports na nagsisilbing patunay na naganap ang distribusyon at natanggap ng mga benepisiyaryo ang welfare goods.

Dahil dito, iminungkahi ni Luistro na DSWD na ang mangasiwa at magpatupad ng Kalusugan Food Trucks lalo’t lumabas na nagkaroon umano ng mismanagement sa inventory kung saan may mga pagkaing malapit nang ma-expire, hindi nakasilid sa tamang storage o di kaya’y nakaimbak sa unventilated storage.