Iginiit ng Philippine Genome Center (PGC) na walang onward transmission ng COVID-19 Omicron sub-variant BA.2.12 sa bansa matapos maitala ang unang kaso nito sa Baguio City.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa kanilang contact tracing, 9 sa mga close contacts ay mula sa Quezon City, 5 sa Benguet at 30 naman mula sa eroplano papunta dito sa Pilipinas.

Sinabi naman ni PGC Executive Director Dr. Cynthia Saloma na posible umanong nakuha ng Finnish national na nag-positibo sa naturang sub-variant mula sa Canada, North America at Europe kung saan laganap ang nasabing sakit.
Samantala, patuloy namang pinag-aaralan ng mga eksperto ang terms of transmissibility ng COVID-19 Omicron sub-variant BA.2.12 sa bansa. || ARGIE ERGINA