Petition for bail ni De Lima, ibinasura ng korte

Ibinasura ng korte ang inihaing petisyon para makapagpiyansa si dating Sen. Leila de Lima sa natitira nitong kaso na may kinalaman sa iligal na droga.

Sa ibinabang court order ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura, sinabi nitong wala silang matibay na batayan para makapagpiyansa si de Lima.

Sinabi ng Korte na mismong si De lima ang nagsabi na hindi siya nakakaranas ng life threatening condition sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen at ilang health issues.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Itinuturing din ng korte na isolated cases lamang ang nangyaring hostage taking sa loob ng PNP Custodial center kung saan nakapiit ang dating senadora.

Samantala, itinakda ng korte sa June 19 at June 26 ang susunod na pagdinig sa kaso ni De Lima.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Isa na lamang kasong may kinalaman sa droga ang kinahaharap ni De Lima matapos mabasura ang dalawa pa niyang drug case kamakailan.

Sangkot umano si De Lima sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison nang maging kalihim siya ng Department of Justice.//CA