Libo-libo katao, inilikas sa binahang lugar sa Ukraine matapos ang pag-atake sa dam

Inilikas ang libo-libong katao mula sa mga binahang lugar sa Ukraine matapos ang pag-atake sa Nova Kakhovka dam sa southern Ukraine na hawak ngayon ng Russia.

Ayon sa Kyiv, ang pagkawasak ng dam, na inagaw ng Russia sa mga unang araw ng digmaan, ay isang pagtatangka ng Moscow na hadlangan ang kanilang opensiba.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Naglunsad na ng criminal investigation ang Ukraine’s chief prosecutor kung saan inakusahan nila ang Russia ng “ecocide,” ngunit dinenay ito ng bansa at sinisi ang Ukrainian artillery sa insidente.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Kaugnay nito, nagbabala ang United Nations na daan-daang libo ang maaaring maapektuhan sa magkabilang panig.//CA