SORSOGON CITY – Inaasahan na sa ikalawang linggo ng susunod na buwan ng Hulyo matuturukan na ng bakuna ang mga personahe ng Sorsogon City Police Station (SCPS), batay ito sa impormasyon mula sa Police Regional Office (PRO)-5.
Sa pahayag ni SCPS Chief Police Major Jeric Don Sadia, ang kanilang hanay ay mapapabilang sa priority A4 group.
Kaugnay nito, hiling ng opisyal na matuloy na sa nasabing peryodo ang pagbabakuna sa lahat ng kanilang mga tauhan upang masiguro ang proteksyon ng mga ito mula sa COVID-19 para na rin sa patuloy at mas mahusay na pagsesrbisyo sa publiko.
Matatandaan na matagal nang natapos ang pagbabakuna sa mga medical health workers ng PRO5.
