Humingi ng paumanhin ang creative director ng Paris Olympics 2024 opening ceremony matapos ulanin ng batikos ang isang parte ng programa tampok ang ilang drag queen.

Ayon sa ilang Katoliko tila kinukutya ng nasabing performance ang kristiyanismo sa isang eksenang naihalintulad sa ‘The Last Supper.’
Giit ng Olympic organizer na si Greek God Dionysus ang kanilang binibigyang buhay sa nasabing performance.
Sa Greek methology si Dionaysus ang Diyos ng paggawa ng alak at mga halamanan.
Kinondena rin ito ng Catholic Church dahil sa umano’y pangungutsya at pang-iinsulto.
Depensa ng organizer, wala silang intensyon na mang-insulto o magpakita ng kawalan ng respeto.
Nais lang aniya nilang ipakita ang pagsasama at pagsasalo-salo sa gitna ng pagkakaiba.