Pera, alahas, at pinaghihinalaang droga nasamsam sa isinagawang raid sa Porac POGO hub

Nakumpiska ng mga awtoridad ang pera, alahas, at pinaghihinalaang ilegal na droga sa pinakabagong raid sa isang Philippine Offshore Gaming Operator hub sa bayan ng Porac sa Pampanga.

Ang perang nasamsam ay nagkakahalaga ng P600,000, kasabay ng iba’t ibang alahas, at sampung sachet ng pinaghihinalaang shabu sa loob ng hindi bababa sa pitong gusali sa Lucky South 99 na sinuri ng mga awtoridad.

Read More:  Senate minority seeks dialogue, due process for Senator Bato

Maliban pa rito ay nakumpiska rin ng mga awtoridad ang mga computer at computer parts, mga cellphone, at mga pinaghihinalaang torture devices.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Inihayag din ng mga awtoridad na nakatuon sila ngayon sa paghahanap ng higit pang mga biktima at posibleng mga suspek sa loob ng mga gusali.