People’s Dialysis Center sa Tacurong, magbubukas na Lunes

KORONADAL CITY – OPISYAL na magbubukas sa Lunes, Enero 15, 2024 ang People’s Dialisys Center ng Tacurong City.

Ito’y matapos na nakapagsagawa na ng orientation sa inisyal na 28 lahat na mga piling hemodialysis patients.

Nabatid, na ito ang pinaka-unang Local Government Unit o LGU-owned Dialysis Center sa lalawigan ng Sultan Kudarat. Sa ipinalabas na datos ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO na siyang reponsale sa pagpili ng eligible patients mula sa indigent families, mayroong ng 86 lahat na mga pasyente ang nakapila.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa kabila ng nasabing bilang, bibigyan padin ng prioridad ang 26 na mga pasyente kabilang na ang mga indibidwal na nailagay sa waiting list.

Nakatakda rin ang paglalatag ng initial session, at inaasahang na matatapos ang two-week period, yaong mga indibidwal naman aniya na nasa waiting list ang agad na aasikasuhin. Inilatag naman ni Rizzane T. Ranggan Designated Head Nurse sang Dialysis Nursing Section kaugnay sa Admission Policy, Responsibility ng PDDC-Enrolled Patients, at Patients Hemodialysis Treatment Schedule.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dagdag ni Ranggan, na ang mga PDDC-enrolled patients ang makatanggap ng libreng dialysis treatment. Kanila rin umanong naipaalam sa mga pasyente ang mga dokumento na kanilang isisimete para sa mga potential medical assistance na maaarang matanggap. Samantala, iprinisenta rin ang mga dialysis nurses na isinailalim sa nasabing orientation.