Siyam na hinihinalang miyembro ng isang gang ang inaresto ng Dutch police matapos magnakaw ng milyun-milyong euros sa pamamagitan ng pagpapasabog sa mga cash dispenser machines sa Germany.
Naaresto ang suspek na may edad 25 hanggang 41 sa isang raid sa Dutch towns pagkatapos ng ginawang major joint investigation ng German Police.

Ang mga suspek ay pinaniniwalaang bahagi ng isang organized crime gang na nasa likod ng 50 cross-border attacks na nakakuha ng higit sa limang milyong euros.
Gumamit ang mga ito ng pampasabog upang maisakatuparan ang mga pagnanakaw na naging karaniwan na sa Germany.//CA