Pedicab driver, arestado sa drug buy-bust ops sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang pedicab driver sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1, Brgy. Bacolod, lungsod ng Tabaco, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rollo”, 30 anyos, residente ng nasabing barangay.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Sa report kan mga otoridad, positibong kumagat sa pain ang suspek sa nasabing operasyon.

Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang pakete ng pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP1,000.

Read More:  Three pedestrians injured in Lapu-Lapu hit-and-run

Narekober sa kanya ang limang piraso ng nasabing item kasama ang iba pang non-drug items.

Agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.