SRI distribution sa mga guro sa Camarines Sur nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa Capital Town

CAMARINES SUR-Sinimulan na nitong Huwebes, Dec. 21, 2023 ang pamamahagi ng Service Recognition Incentive o SRI para sa mga kwalipikadong mga guro at mga kawani ng pampublikong paaralan alinsunod sa Administrative Order No. 12 o “Authorizing the Grant of Service Recognition Incentive to Government Employees for Fiscal Year 2023”.

Ang problema nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa capital town Pili hanggang kahapon, kamot ulo ang mga biyahero’t motorista na papunta sa Naga o mga dumaraan sa nasabing bayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Department of Education (DepEd) Camarines Sur Spokesperson Salvador Pelingon , nasa 21, 000 na mga personahe ang tatanggap ng SRI, hinati-hati nila ang schedule ng mga mula sa bawat bayan. Mayroong umaga at mayhapon. Nasa complex na ang venue upang hindi hahaba ang pila sa kalsada pero naging traffic pa rin dahil sa dalang mga sasakyan at dami rin ng mga biyahero.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Nakaalalay ang PNP sa traffic management pero hindi pa rin naiwasan ang traffic.  Target ng DepEd na maipamahagi ang SRI bago ang pasko.