Pediatric vaccination sa lalawigan ng Catanduanes, umarangkada na kahapon

BNFM BICOL—Umarangkada na rin sa islang lalawigan ng Catanduanes ang ‘pediatric vaccination’ o ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17-anyos, partikular ang mga batang may comorbidities.

Batay sa ulat, isang 14-anyos na batang babae mula sa Brgy. San Isidro Village sa bayan ng Virac ang unang nabakunahan kontra COVID-19 mula sa pedia population ng lalawigan.

Wala pang inilabas na ulat ang PHO kung ilan ang eksaktong bilang ng mga batang tumanggap kahapon ng bakuna ngunit una nang inihayag ng tanggapan na target nilang maturukan ng COVID-19 vaccine ang 200 mga bata mula sa probinsya para sa unang araw na pag-arangkada ng pediatric vaccination.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, ipinaalala naman ng vaccination team ng Eastern Bicol Medical Center na silang nag organisa ng pediatric vaccination kahapon, na sa ngayon ay hindi pa sila tatanggap ng ‘walk in’ vaccinees dahil sumailalim sa pre-registration ang mga batang binabakunahan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ganunpaman, may itatakda rin umanong araw o schedule ang mga vaccination team sa lalawigan para sa pagbabakuna sa natitirang pediatric population ng probinsya sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, ipagpapatuloy naman ngayong araw November 25 hanggang bukas November 26 sa EBMC ang pagbabakuna sa mga bata para sakanilang first dose ng Moderna vaccine.###