Mga seaweed farmers ng Brgy. Dahican sa Jose Panganiban  natanggap na ang ayuda mula sa Philippine Crop Insurance Corporation

CAMARINES NORTE- Natatanggap na ng mga Seaweeds farmers ng barangay Dahican Jose Panganiban ang kanilang bahagi sa Indemnity Program mula mismo sa kinatawan ng Philippine Crops Insurance Corporation (PCIC) na si Mr. Norwin B. Roldan.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Daet, Pinangunahan mismo ng LGU ang pamamahagi ng indemnity para sa mga seaweed farmers na nakaranas ng pinsala mula sa mga nagdaang kalamidad.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Sa nasabing Programa ipinaliwanag ni Ms. Christine De Leon bilang Officer in Charge ng Municipal Agriculture’s Office ang kahalagahan ng pagtatanim ng seaweeds sa kanilang bayan at kung paano ito makakatulong para sa pagsisimulang muli ng  kabuhayan ng mga Seaweeds farmers.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Dahil dito, nakita ng lokal na pamahalaan ang potensyal ng Coastal Barangays bilang primary source ng seaweeds sa Camarines Norte kaya lubos ang pagsuporta sa programa, upang mapalakas ang seaweed industry sa nasabing bayan.