Pearl farm sa Castilla planong buhaying muli ng LGU

 Plano ng Lokal na Pamahalaan ng Castilla na buhayin muli ang Pearl Farm.

Ayon kay Municipal Tourism Officer Jong Fernandez, sa katunayan ay sinimulan na ito sa Barangay Cogon na siyang pinaka-angkop umanong lugar  para sa pagculture ng mga perlas subalit nagkaproblema lamang umano sa pondo.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Mayroon na din umanong market ang mga ito kung saan ay may mga investor nang kumukuha ng nasabing mga perlas subalit hindi lamang nagmaterialize dahil sa ilang problema at ito umano ngayon ang nais nilang masolusyunan sa pamamagitan ng rehabilitasyon ng nasabing pearl farm.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Pagtaya ni Fernandez P10M hanggang P15M ang kakailanganin para sa rehabilitasyon ng nasabing farm.

Mababatid na layunin ng pagtatayo ng pearl farm ay ang mabigyan ng sustenableng pagkakakitaan ang mga nakatira sa coastal area.