PDEA Bicol, inaasahang magiging drug cleared region ang Bicol sa susunod na 2 taon

BNFM Bicol-INAASAHAN ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Bicol na magiging drug cleared regin ang Bicol sa susunod na dalawang taon.

Batay sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad na aabot na sa 3,024 sa 3,471 na mga barangay sa Bicol ay naideklara nang drug-cleared.

Patuloy rin ang pagpapatayo ng Balay Silangan, isang rehabilitation center sa rehiyon para sa mga bikolanong gustong magbagong buhay matapos malugmok sa ipinagbabawal na droga.

Sa ngayon ang mga lalawigan ng  Catanduanes at Sorsogon ay ang mga nangungunang lalawighan na kung saan apat na barangay  na lamang ang hindi pa drug-cleared.

Dahil dito patuloy ang isinasagawang monitoring at pagpapatupad ng mga Anti-illegal Operations at Campaigns para tuluyang maging Drug Cleared Region angn Bicolandia.### KENNETH BERMIL

Photo From Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *