Nagsagawa muli ng Kadiwa ng Pangulo ang Pamahalaang Panlungsod ng Olongapo.
Ito ay ang pagtatampok ng mga sariwang produkto gaya ng gulay sa murang halaga kumpara sa mga pamilihang bayan.
Ilan sa mga mabibili dito ay Karne, Itlog, Sari-sari Gulay, Bigas, Tinapa at iba pa.
Ang aktibidad ay isinagawa simula ngayong araw May 16 hanggang bukas May 17 sa Rizal Shrine.
Inaanyayahan naman ang mga mamamayan na tangkilikin ang produkto na mula sa mga local na magsasaka ng Lungsod.
Samantala, ang Kadiwa ay buwanan ng isasagawa sa Olongapo tuwing ika-16 at 17.// LESLEY DIZON – BNFM OLONGAPO
